Joma Sison, naniniwalang gumagawa ng malaking gulo sa Bangsamoro region si PRRD

Naniniwala si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na lilikha lamang ng malaking gulo sa Bangsamoro region si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Sison kasabay ng gaganaping plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ngayong araw.

Dagdag pa ni Sison – maraming residente at pwersa sa Mindanao ang mariing tutol sa BOL plebiscite.


Binanggit pa ni CPP leader ang mga kontra sa plebisito tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilalim ng pamumuno ni Nur Misuari, ilang Sultan at local government officials mula sa Sulu, Lanao at Maguindanao provinces.

Sa Maguindanao, sinabi ni Sison na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang pwersa ay hindi sang-ayon na pakikipagsanib pwersa ng MILF sa gobyerno sa pamamagitan ng BOL.

Facebook Comments