Pumalag si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ubusin ang mga rebeldeng komunista.
Sa statement, sinabi ni Sison na si Duterte ang siyang utak ng terorismo at paglabag sa karapatang pantao.
Binanggit ni Sison ang utos ng Pangulo sa mga sundalo na patayin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ng mga tambay sa pampublikong lugar.
Binibigyan lamang aniya ng Pangulo ang kanyang mga alagad ng labis na awtoridad na pumatay ng mga tutol at kritiko ng kanyang pagiging tiwali, paniniil at pagtataksil.
Facebook Comments