Jona Viray, wish na magka-lovelife na

Showbiz – Bukod sa good health, sana raw ay magkaroon na ng lovelife si Jona Viray.

Ito ang wish ng singer kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang 28th birthday kahapon.

Sa kanyang edad ngayon, seryoso at pangmatagalang relasyon na raw ang gusto ni Jona.


Ideal man daw niya, dapat god-fearing at gusto ng relasyong katulad ng sa idol niyang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sa kabila nito, nilinaw ni Jona na hindi naman siya nagmamadali dahil gusto rin niyang samantalahin muna ang maraming opportunities sa kanyang singing career.

Samantala, sa november 18, gaganapin ang Prima Jona concert sa the theatre at Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Facebook Comments