Jordan, magbibigay ng isa pang attack helicopter sa Pilipinas

349

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magbigay ang bansang Jordan ng ikatlong attack helicopter sa bansa.

Pero nag-aatubili ang Pangulo na gamitin ang asset na ito sa anti-communist insurgency operations.

Ayon sa Pangulo – nagbigay na ang Jordan ng dalawa at balak nilang dagdagan ng isa pa.

Matatandaang nakipagpulong si Pangulong Duterte kay King Abdullah II upang mapagtibay ang bilateral relations sa kanyang pagbisita sa Amman noong September 2018.

Facebook Comments