Jose Rizal, tampok sa Google

Itinampok ng Google ang doodle ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa kanyang ika-158 kaarawan ngayong araw.

Si Rizal ay ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna.


Kilalang physician, naturalist, linguist at novelist si Rizal.

Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at kumuha ng kursong medisina sa University of Sto. Tomas at espesiyalista sa ophthalmology.

Umalis siya para mag-aral sa Espanya kung saan sa Europa niya isinulat ang kanyang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”

Noong 1892 ay tumulong siya sa pagbuo ng La Liga Filipina, isang nationalist movement.

Idinawit si Rizal sa serye ng pag-aaklas laban sa Spanish government at ipinatapon sa Dapitan.

Taong 1896 nang arestuhin at ikinulong si Rizal sa Fort Santiago at pinaslang sa pamamagitan ng firing squad noong December 30, 1896.

Facebook Comments