Josh Cullen ng SB19 boy band, nakiisa sa bakunang hatid ng Philippine Red Cross

113

Patuloy pa rin ang suporta ng Philippine Red Cross (PRC) sa gobyerno sa paglaban sa pandemya sa pamamagitan ng COVID-19 testing at vaccination.

Isa sa mga nabakunahan ay si Josh Cullen na miyembro ng Filipino boy band na SB19 at kauna-unahang Southeast Asian na naging nominado sa Billboard Music Awards sa Top Social Artist Category.

Ayon kay Cullen, mas maigi nang makaranas ng discomfort pagkatapos ng first dose ng bakuna kaysa hindi maging protektado sa posibleng malalang epekto ng COVID-19.


Bukod sa pagtuturok ng bakuna, layon din ng PRC na makatulong sa pagbaba ng vaccine hesitancy at pagsuporta sa pagkalat ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna sa posibleng side effects nito at benepisyo sa katawan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbabakuna ng PRC sa mga kababayan kung saan 242,706 na indibidwa na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa 21 na PRC Bakuna Centers at 16 Bakuna buses.

Facebook Comments