Pangulong Duterte, nilagdaan na ang nomination papers ng PDP-Laban bilang vice presidential candidate sa 2022 elections

107

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kaniya ng PDP-Laban para sa pagka-bise presidente sa 2022 National Elections.

Ito ay matapos lagdaan ng pangulo ang Certificate of Nomination Acceptance (CONA) na nagkukumpirma ng kaniyang pagtanggap sa nominasyon ng paksyon nina Energy Secretary Alfonso Cusi.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinal na ang desisyon ni Duterte sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Samantala, makakalaban ng Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente sina Senator Vicente Sotto III at dating senatorial candidate na si Dr. Willie Ong.

Facebook Comments