Simpleng pa-birthday ni kuya kay bunso, ikinaantig ng puso ng netizens

via Facebook / Darynne Peralta

Ika nga, “It’s the thought that counts.”

Na-touch ang maraming netizens sa simpleng handa na handog ng isang kuya para sa birthday ng kaniyang nakababatang kapatid.

Makikita sa Facebook post ni Darryne Peralta na kahit kapos sa budget ay naghanda pa rin ito ng pagsasaluhan nila sa ika-anim na kaarawan ni bunso.


“Happy birthday bunso nyahahaha diko nabili gusto mo. Yan lang kaya ko,” ani kuya Darynne sa caption ng larawan nilang magkapatid.

Sa harap nila, nakahain ang isang platong litsong manok, anim na pirasong hamburgers at isang buong footlong sandwich na hinati.

Hindi man enggrande, wagas naman ang ngiti ng bunsong kapatid na hawak-hawak ang papel na sinulatan ng numerong 0 at 6.

Sapat na ang ipinamalas na pagmamahal ng kaniyang kuya para maging mas espesyal ang kaniyang araw.

Umabot na sa 205K reactions at 50K shares ang post na ito ni Peralta.

Facebook Comments