Joshua Garcia, gustong makipag-ayos kay Gerald Anderson

44
COURTESY: JOSHUA GARCIA FB / FILE PHOTO

Inamin ng 22-year-old actor na si Joshua Garcia na gusto niyang makausap nang masinsinan ang kapwa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Say ni Joshua, na-realize niya ang hirap ng may ilangan dahil ang liit lang naman ng industriyang kanilang ginagalawan.

Tinext na raw niya si Gerald para ma-clear ang lahat ng nangyari sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong reply.

Matatandaang 2019 nang ituro si Gerald na dahilan ng breakup ni Joshua at ni Julia Barretto Habang si Julia naman ang sinasabing third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo.

Facebook Comments