Joshua Garcia kay Julia Barretto: ‘You’re the strongest girl na nakilala ko.’

970
Instagram/Julia Barretto

Ibinahagi ni Julia Barretto ang text message sa kaniya ni Joshua Garcia sa kalagitnaan ng isyu na “sweet photos” ni Julia at Gerald Anderson.


Wala pa namang statement si Julia ukol dito ngunit pinahayag naman ng ina at ate ni Julia na magkaibigan lamang sila ni Gerald.

Sa screenshot ng text message ni Joshua, sinabi niyang malalampasan din ni Julia ang sitwasyon niya ngayon.

“Malalampasan mo ‘yan. I know you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh,” ani Joshua. “Baba car now,” dagdag niya.

“Baba” ang tawagan nila Julia at Joshua na kilalang loveteam na JoshLia at naging magkasama sa ilang pelikula na “I Love You Hater”, “Unexpected Yours” at “Vince and Kath and James.”

Screenshot via Julia Barretto on Instagram

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang text message na ito.

Nitong Linggo naman, binura ni Joshua ang komento na “I’m mute” sa kaniyang Instagram story kaugnay ng Julia-Gerald issue.




Ayon naman sa isang netizen, TOTGA ni Joshua si Julia kaya’t ang sweet pa rin nito.

 

Facebook Comments