Jovit Baldivino, sinagot ang kanyang basher

Binuweltahan ng singer na si Jovit Baldivino ang isang basher matapos siya umanong laitin at murahin sa social media.
Burado na ang nasabing comment ng netizen sa instagram account ni Jovit pero makikita pa rin doon ang kanyang naging sagot.
Sabi ni Jovit, “@ayamarie_ maam dahan dahan ka sa mga sinasabi mo, unang una hindi kita kilala. Kaano-ano ba kita? Pinakakain mo ba ako?
“Ano bang masama na ginawa ko sa ‘yo? Kung makapagsalita ka ng gago akala mo naman pinapakain mo ako?!
“Hindi ko naman sinasabi na gwapo ako, inaano ka ba ng itsura ko?!”

Facebook Comments