Joyce Bernal muling ididirek ang SONA 2019 ni Duterte

Image via AXL Powerhouse Network

Sa ikalawang pagkakataon, si Joyce Bernal ang magiging director ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Inanunsyo ito ng mga opisyales ng Radio Television Malacañang sa ginanap na coordination meeting nitong Miyerkules kabilang ang mga mamamahayag para sa preparasyon ng ika-apat na SONA ni Duterte.

Noong nakaraang taon, si Bernal rin ang punong-abala sa mga camera shots at angles ni Duterte habang nagtatalumpati.


Matatandaang binanggit ng batikang direktor noong nakaraang taon na gusto niyang ihatid sa mga manonood ang paraan ng pagsasalita ni Digong bilang ama, mayor at presidente ng bansa.

Nais nitong ipakita ang magandang sequence shots sa tatlong magkakaibang angulo para malaman ng publiko kung gaano kamahal ni Duterte ang Pilipinas.

Maliban kay Bernal, naatasan rin ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza sa SONA ni Duterte taong 2016 at 2017.

Facebook Comments