Nanawagan si Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar sa mga magulang at mga estudyante na i-report sa Philippine National Police (PNP) ang mga grupo o indibidwal na istorbo sa online classes.
Aniya, mayroong PNP Helpline, ito ay ang 16677, o ‘di kaya ang mga numerong 0998-849-0013 at 0917-538-249.
Nais malaman ng JTF COVID Shield ang mga reklamo para agad marespondehan.
Mas maigi aniya kung makukunan ng video o larawan ang mga irereklamo para magamit na ebidensya sa violators.
Partikular na ipagbabawal sa mga tabi o kanto ng kalsada sa mga barangay ay ang pag-iinuman, videoke at maingay na kwentuhan.
Sa ngayon, sinabi ni Eleazar na dinamihan na nila ang paglalagay ng PNP Barangay Assistance Desks kung saan may isang pulis ang nakatalaga bilang team leader.