Hindi nakikitang problema ng Joint Task Force COVID Shield ang pinaluwag na age restriction na papayagang makalabas ngayong umiiral ang community quarantine dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, dahil pwede nang lumabas ang mga indibidwal na may 15 hanggang 65 taong gulang ay hindi na sila ituturing na quarantine violator.
Pero, naghihintay pa sila ng specific guidelines sa bagong polisiya lalo’t nakasaad sa naunang omnibus guidelines na bawal lumabas ang mga menor de edad at senior citizen.
Sa oras aniya na matanggap nila ang specific guidelines ay makikipag-ugnayan sila sa mga concerned agencies.
Established na rin aniya ang mga quarantine control points sa mga lalawigan at may maganda ring ugnayan ang mga pulis sa mga force multiplier para bantayan ang lumalabag sa health protocol na itinakda ng gobyerno.