JTF COVID Shield, pabor sa parusang community service sa mga lumalabag sa quarantine protocol

Mas mainam na community service at multa na lang ang ipapataw sa mga lalabag sa quarantine protocol.

Ito ng inihayag ng Joint Task Force COVID Shield.

Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, dapat maging last resort ang pag-aresto at ang pagsasampa ng reklamo kapag bastos sa law enforcer at abusado na ang mga lumalabag.


Paliwanag ni Eleazar, ang community service at multa ay maituturing na logical punishment dahil ang pagkulong sa violators ay maglalagay lang sa kanilang posibleng exposure sa sakit sa loob ng detention facilities.

Sinabi pa nito, halos lahat ng barangay at Local Government Units (LGUs) ay kulang sa detention facilities kaya itini-turn over ang mga violators sa local police.

Base sa pinakahuling tala, mahigit 300,000 na ang mga lumabag sa quarantine protocol mula buwan ng Marso.

Samantala, nakikipag- ugnayan na si Eleazar sa incoming Philippine National Police (PNP) Chief na si Lt. Gen. Camilo Cascolan para mapabuti ang kanilang kampanya upang mapigilan ang pagkalat ng COVID- 19.

Facebook Comments