Judge na may hawak sa Maguindanao Massacre case at Chief Justice Peralta, nagkaharap

92

Kinumpirma ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez na nagkausap sina Quezon City RTC Branch 221 JUDGE Jocelyn Solis -Reyes at si Chief Justice Diosdado Peralta.


Ayon kay Marquez, nagkausap sina Judge Solis-Reyes at Chief Justice Peralta nang bumisita ang punong mahistrado sa Quezon City Hall of Justice.

Bagama’t masinsinan aniya ang naging pag-uusap ng dalawa, hindi naman makumpirma ni Court Ad Marquez kung ang napag-usapan nina CJ Peralta at Judge Reyes ay hinggil sa ibababang hatol ng hukom sa Maguindanao Massacre case sa December 19.

Pangunahing akusado sa naturang krimen na ikinasawi ng 58 katao na karamihan ay mga kagawad ng media, ay ang angkan ng mga Ampatuan sa pangunguna ng mag-aamang Andal Ampatuan Sr., Andal Jr. at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at mahigit 100 iba pang mga akusado.

Facebook Comments