Judge na nagpalabas ng TRO sa pagsasagawa ng raid sa warehouse ng Mighty Corporation, kinasuhan sa Supreme Court

Manila, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang hukom na nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagsasagawa ng raid sa mga warehouse ng Mighty Corporation.

 

Ayon kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon, kasong administratibo ang kanyang isinampa laban kay Manila Regional Trial Court branch 1 presiding judge Tita Bughao Alisuag.

 

Sa 24 na pahinang reklamo ni Faeldon sa Supreme Court, hiniling nitong ideklara si Judge Alisuag na administratively liable dahil sa gross ignorance of the law makaraan nitong pigilan sa pamamagitan ng paglalabas ng TRO ang pagsasagawa ng raid sa warehouse ng Mighty Corporation na ngayon ay nababalot ng kontrobersiya makaraang mabisto na gumagamit ng pekeng tax stamps ang kanilang produkto.

 

Sinabi pa ni Faeldon na dahil sa TRO na inisyu ni judge Alisuag naisantabi ang matagal nang umiiral na pamantayan o batas na nagsasabing walang hurisdiksyon ang mga regular courts sa seizure at forfeiture proceedings.

 

Alinsunod kasi sa R.A. 10863 o customs modernization & tariff act ang BOC ang may exclusive jurisdiction sa mga produktong  pumapasok o lumalabas ng bansa.

Facebook Comments