Ipinasa na sa House Sub-Committee on Judicial Reforms angiba’t ibang panukala para sa paglikha ng “judges-at-large” positions.
Ang judges-at-large ay tumutukoy sa mga hukom na walangpermanenteng sala at maaaring italaga ng Korte Suprema saan mang Regional Cityo Municipal Court sa bansa.
Naniniwala si Leyte Rep. Vicente Veloso na isa ito samaaaring sagot sa pangunahing problema ng bansa sa justice system partikularang mabagal na resolusyon ng mga kaso.
Dahil dito nagkasundo ang mga miyembro ng panel na lumikha ng 100 judges at large positions parasa RTC at 50 posisyon sa municipal trial courts.
Ipinaliwanag ng mga may akda ng panukala na angpangunahing dahilan ng congestion ay ang kawalan ng mga hukom, mabilis napagdami ng mga kaso sa Metro Manila at ibang lungsod, at ang paggamit saregular judges bilang assisting o acting judges na napatunayan umanong unproductivedahil wala silang sapat na panahon para tutukan ang mga kaso sa bakanteng mgakorte.
Judges at large o mga hukom na walang permanenteng hinahawakang kaso, ipinatatalaga sa mga bakanteng korte
Facebook Comments