Judges-at-Large program, ipatutupad na ng Korte Suprema

Ipatutupad na ng Korte Suprema ang tinatawag na Judges-at-Large program na naglalayong mapabilis pa ang mga kaso sa mga hukuman at iba pang pangangailangan ng publiko.

Batay sa inisyung resolusyon ng SC en banc, ini-aatas ng kataas-taasang hukuman ang pagpapatupad ng programang ito ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 11459, o ang Judges at Large Act of 2019.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11459, 50 posisyon para sa mga hukom ang bubuksan, 30 nito ay mga judges mula sa Regional Trial Court at 20 sa Municipal Trial Court.


Layunin ng mga maitatalagang hukom sa programa ay makatulong din sa mga judges na marami nang hinahawakang kaso upang mabawasan ang mga nakabinbin sa mga court dockets.

Kaugnay nito, inatasan din ng SC ang Office of Court Administrator na magsumite ng limampung mga bubuuing posisyon sa ilalim ng nasabing programa at maisama na sa pagpopondo ng Department of Budget and Management sa ilalim ng General Appropriations Act.

Facebook Comments