Judicial and Bar Council, bukas na sa mga aplikasyon para sa bakanteng pwesto sa Sandiganbayan at Court of Appeals

Manila, Philippines – Bukas na ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa aplikasyon sa mga nabakanteng posisyon sa Sandiganbayan at Court of Appeals.

Partikular na bakante ngayon ang posisyon ng Sandiganbayan Associate Justice at Court of Appeals (CA) Associate Justice.

Ito ay matapos na ma-appoint sa Korte Suprema si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo noong August 14 , habang sumailalim naman sa optional retirement si CA Associate Justice Melchor Quirino Sadang noong August 1.


Ang mga aplikante ay mayroon hanggang November para magsumite ng kanilang aplikasyon at mga dokumento.

Samantala, sa Sept. 25 naman ang
public interview ng JBC sa mga aplikante sa posisyon ng Court of Appeals Presiding Justice.

Ito ay matapos na i-appoint ng Pangulong Duterte sa Korte Suprema si CA Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Facebook Comments