Pagdinig sa kaso ni Jinggoy, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Ipinagpaliban sa susunod na Lunes ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong plunder at 11 counts ng paglabag sa anti-graft and practices Act ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Jinggoy, may karamdaman si Justice Reynaldo Cruz kung kayat kulang ng isang mahistrado at hindi naman makahiram ng ibang justice.

Maagang dumating sa 5th division ng Sandiganbayan si Jinggoy na nangakong tutukan niya ng panahon ang kaniyang kaso.


Ayon naman kay Atty. Ma.Cristina Batacan, maghaharap sila ng Motion for Reconsideration para baliktarin ang pasiya ng 5th division na payagang makapagpiyansa si Jinggoy.

Aniya, tiwala sila na kakatigan ang kanilang MR dahil mayroon silang sapat na dahilan o high grounds.

Facebook Comments