
Nag-anunsyo ang Judicial and Bar Council (JBC) ng muling pagbubukas ng aplikasyon para sa ilang bakanteng posisyon sa hudikatura at legal sector.
Kabilang sa mga maaaring aplayan ang apat (4) na puwesto para sa Associate Justice ng Court of Appeals at isang (1) bakante para sa Associate Justice ng Court of Tax Appeals.
Bukod dito, nangangailangan rin ng dalawang (2) posisyon bilang regular member ng Legal Education Board.
Sa nasabing Legal Education Board, ang mga bakante ay para sa kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines at kinatawan ng hanay ng mga aktibong law practitioners.
Hinihikayat ng JBC ang mga kwalipikadong abogado at mahistrado na magsumite ng kanilang aplikasyon alinsunod sa itinakdang requirements at deadline ng konseho.










