Judicial and Bar Council, tumangging magbigay ng kopya ng resulta ng psychiatric test ni Chief Justice Sereno

Manila, Philippines – Tumanggi ang Judicial and Bar Council o JBC na maglabas ng resulta ng psychiatric test ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa liham ng JBC kay Atty. Lorenzo Gadon, isa sa mga complainant na naghain ng impeachment complaint sa Kongreso laban kay Sereno, sinabi ng JBC na hindi sila maaring makapag-release ng naturang dokumento dahil sa existing confidentiality rule.

Una nang ibinunyag ng pahayagang Manila Times noong August 24, 2012 na bagsak si Sereno sa psychiatric testing nang mag-apply ito bilang Chief Justice.


Ito ay dahil nakakuha lamang daw ito ng “Grade of 4” sa kanyang mental test.

Nahaharap ngayon si Sereno sa dalawang impeachment complaint sa Kamara na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), at ng Vanguards of the Constitution at ni Atty. Gadon.

Facebook Comments