Judicial reform, mas suportado ng presidential candidates kaysa sa death penalty

Naniniwala ang apat na presidential candidates na mas mahalaga ang pagreporma sa justice system ng Pilipinas kaysa ibalik ang death penalty.

Sa presidential forum na inorganisa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), tutol sina presidential aspirants Ka Leody de Guzman, Vice President Leni Robredo, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales sa buhayin ang capital punishment.

Pero para kay Senator Manny Pacquiao na bagamat hindi ipinagbabawal sa Bibliya ang paggamit ng gobyerno sa death penalty, hindi niya nakikitang maipapatupad ito sa kasalukuyang judicial system ng bansa.


Kapag hindi naayos ang justice system, maraming inosenteng tao ang mapaparusahan.

Ipinunto pa ni De Guzman na ang patuloy na paglaganap ng ilegal na droga sa bansa sa kabila ng madugong giyera kontra droga ng Duterte Administration ay patunay na hindi sago tang pagpatay.

Idiniin pa ni Gonzales na mas importanteng matulungan ang mga kriminal na kilalanin ang kanilang pagkakamali.

Dagdag naman ni VP Robredo, hindi nakatulong ang death penalty para mapababa ang krimen.

Matagal nang tinututulan ng simbahang katolika ang death penalty.

Facebook Comments