13 pang Pinoy seafarers mula Ukraine, dumating sa bansa

75

13 pang Filipino seafarers ang dumating ngayon sa bansa.

Sila ay kabilang sa mga barkong stranded sa mga pantalan sa Ukraine matapos pasukin ng Russian forces ang Ukraine.

Ayon kay Philippine Ambassador to Budapest Frank Cimafranca, naging pahirapan ang paglikas nila sa Pinoy seafarers.


Ito ay dahil sa kinakailangan silang isakay sa mga bangka mula sa barko patungo ng tabing-dagat.

30 pang Pinoy seafarers mula sa Ukraine ang nailikas na rin at naghihintay ng kanilang repatriation pauwi ng Pilipinas.

Sa ngayon, mahigit 300 na Filipino seafarers na mula sa Ukraine ang napauwi ng pamahalaan.



Facebook Comments