Judiciary, humirit ng dagdag na P6.58 billion na pondo sa 2021

Humihirit ng dagdag na P6.58 billion ang Judiciary para sa kanilang 2021 budget.

Sa budget deliberation sa Kamara, sinabi ni Court Administrator Midas Marquez na P55.88 billion ang kanilang hiling sa Department of Budget and Management (DBM) na pondo para sa susunod na taon.

Pero P43.54 billion lamang ang ibinigay sa kanila ng DBM sa ilalim ng National Expenditure Program.


Paliwanag ni Marquez, mangangailangan sila ng dagdag na P6.58 billion para tugunan ang pangangailangan ng mga attached agencies nito.

Mangangailangan aniya ng dagdag na P5.07 billion ang Korte Suprema at lower courts, P15.35 million naman para sa Presidential Electoral Tribunal, P994.5 million sa Court of Appeals, P406.4 million sa Sandiganbayan at P98.5 million para sa Court of Tax Appeals.

Iminosyon naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na ibalik ang P6.58 billion na tinapyas na budget sa Judiciary sa 2021.

Paliwanag ni Rodriguez, laging napagiiwanan ang bansa pagdating sa justice system dahil hindi naibibigay ng pamahalaan ang pangangailangan nito.

Facebook Comments