Judy Ann at Ryan, pinakilala ang kanilang bagong restaurant na “Angrydobo”

344
Image via Ryan Agoncillio @ryan_agoncillo on Instagram

Masayang ibinahagi ni Judy Ann Santos- Agoncillo ang pagbubukas ng kanilang bagong restaurant na Angrydobo ayon sa kaniyang instagram post nitong Mayo 15.

“We are on soft opening.. 🙂 and we’re ready to serve you guys from 4 pm till 10 pm today. 🙂 near army navy la salle.. look for the door with a heart,” pahayag ni Juday sa kaniyang caption na may hashtag na angrydobo at madewithlove.


Sa isang magkaibang post, ibinahagi rin ni Ryan ang kwento sa likod ng Angrydobo.

Nakuha nila ang ideya nang nagkaroon sila ng tampuhan labinlimang taon na ang nakakaraan.



Nagbabakasyon sila noon sa Los Angeles, California nang nangako si Judy Ann na ipagluluto ng adobo ang mga kaibigan.


Noong gabi ng kanilang tampuhan, naatasan si Ryan na bumili ng mga sangkap na gagamitin sa adobo ngunit iniwan niya lamang magisa si Judy Ann sa counter at natulog.

Bagama’t walang kibo si Judy Ann ukol rito, pagkagising ni Ryan ay hinainan siya si Juday ng isang mangkok ng kanin na may adobo.

Kaya tinawag itong Angrydobo ngunit made with love.

Facebook Comments