Negosyante sa Cordon, Isabela, Arestado!

15

*Cordon, Isabela-* Inaresto ng mga otoridad ang isang Ginang dahil sa kasong Grave Slander bandang alas 10:00 kaninang umaga sa Bayan ng Cordon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Hazel Lingad, 31 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.


Base sa imbestigasyon ng Cordon Police Station sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Bernardino Labog, inaresto ang akusado makaraang magpalabas ng mandamiento de aresto si hukom Norbert Bong Obedoza ng Municipal Trial Court sa Bayan ng Cordon dahil sa kaso nitong kinakaharap.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya si Lingad para isailalim sa booking procedure.

Facebook Comments

From Advertisers