Manila, Philippines – Nagpasalamat si outgoing DSWD Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa labing apat na buwan na pagkakataon na maserbisyuhan ang bayan.
Sa kaniyang talumpati sa sendoff ceremony, binanggit ni Taguiwalo na may isang pagkakataon na natanong siya noon ni Pangulong Duterte kung ano ang Posisyon niya sa paglilibing sa libingan ng mga bayani kay dating pangulong Marcos.
Nanindigan siya na di siya sang ayon dahil siya man ay na torture sa panahon ng Martial law.
Pangalawa ay nang tuwiran niyang tinanong ang pangulo kung ganap nang wala ng pork barrel.
Nauna nang sinabi ng kalihim na may ilang mambabatas na gustong gawing palabigasan ang pondo ng kagawaran.
Gayunman, ikinatuwa niya na na sa kabila ng kaniyang prinsipyo ay tinanggap ni Digong ang nominasyon ng NDF sa kaniya.
Umaasa si Taguiwalo na protektahan din ng papalit sa kaniya ang pondo ng gobyerno.
Na ang pondo ng dswd aniya ay para sa tapat at mapagkalingangang serbisyo sa mga mahihirap
Ibinilin niya na maibigay na ng kumpleto ang emergency shelter assistance na tulong sa mga biktima ng bagyong Lawin at Nina pagsapit ng Disyembre dahil aprubado naman na ang budget nito.