Pinay Tennis Star Alex Eala, pasok na sa finals ng US Open Juniors

47

Pasok na sa US Open Junior finals si Pinay Tennis Star Alex Eala.

Tinalo ni Eala si Number 9 seed Victoria Mboko ng Canada sa iskor na 6-1, 7-6 (5) sa semifinal round.

Ito na ang pangalawang beses na nakatapak si Eala sa finals ng US Open Juniors na ang una ay noong 2020.


Susunod na makakaharap ni Eala si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova sa finals.

Facebook Comments