Julia Barretto, inaming 5 taon nang nakikipaglaban sa anxiety disorder

(Julia Barretto Instagram)

Isiniwalat ng aktres na si Julia Barretto na limang taon na siyang humaharap at nakikipaglaban sa anxiety disorder.

Sa isang podcast kasama ang nakababatang kapatid na si Claudia, ibinahagi ng aktres ang ilang karanasan sa tuwing inaatake siya ng anxiety at ang mga ginagawang hakbang para malabanan ito.

https://youtu.be/48DXz5HXgTc


Kwento ni Julia, isa itong sensitibong paksa at wala umanong ni isang nakakaalam na mayroon siya nito.

“I think there are certain things that really hit it or, like, triggered it. It’s just, like, one day you get it. The first few days, the first time you get it, you don’t understand.” saad ni Julia.

Dagdag niya, ang naturang atake ay naghahatid daw ng pakiramdam ng pagkabigo.

Hindi rin daw niya naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya.

Isinalarawan din ni Julia ang pakiramdam na parang nasa isang madilim na lugar sa tuwing umaatake ang mental condition.

“When I get attacks, I can’t move, I can’t talk. I’m always just staring, and I’m not aware anymore what I’m doing, or like, what others are doing. It’s like I’m under this really, really dark cloud. People try to talk to me, talk me out of it. When they ask me what’s happening, what’s wrong, it’s like my tongue can’t move,” aniya.

Humingi na rin daw siya ng tulong mula sa propesyonal gaya ng mga life coaches para tuluyang malabanan ang takot na nararamdaman.

“You also have to help yourself try to find out what works for you. I’ve also just been blessed that I’ve been surrounded by people who totally know how to deal with me when I get an attack,” sabi ng aktres.

Facebook Comments