Julia Barretto, inaming may anxiety disorder

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na limang taon na siyang may anxiety disorder na isang mental illness.

Ayon kay Julia, hindi madali ang ganitong kondisyon, lalo na raw nang una niya itong maranasan dahil hindi pa niya lubos na nauunawaan ang nararamdaman.

Idinetalye rin ni Julia ang mga nararamdaman niya kapag inaatake siya ng anxiety tulad ng hindi siya makagalaw, makapagsalita, tulala at hindi alam ang nangyayari sa paligid.


Para daw siyang nasa madilim at malungkot na lugar na hindi makawala.

Sa kabila nito, patuloy aniya ang pakikipaglaban ni Julia sa kanyang sakit kung saan nakikipag-usap siya sa isang life coach at dumadalo sa mga anxiety group na nakatutulong sa kanya i-deal ng tama ang kanyang sakit.

Facebook Comments