Julia Barretto, sinagot ang naging kinalabasan ng kaniyang audition sa role ng Darna

Image via @juliabarretto instagram

“Seseryosohin ko sana, seryoso naman ako, Tito Boy. Real talk. Uhm, I really went… I was ready to be asked questions, to shout it if asked, hubad if they needed,” pahayag ni Julia Barretto kaugnay ng kaniyang audition sa role ng Darna sa interview sa Tonight with Boy Abunda kagabi.

“They were laughing. Siguro they thought I was joking. So okay lang naman, funny,” dagdag ni Julia. 

Gumanap na Direk Olivia Lamasan si Abunda at tinanong niya si Julia kung bakit gusto niya ang role ng Darna.


“I am an independent, strong, empowered woman who can empower other woman,” sagot ni Julia. 

Nabigyan din ng pagkakataon si Julia na masuot ang iconic bra at masigaw ang Darna sa TWBA.

Nang makapareha si Gerald Anderson sa isang movie bukod sa kaniyang real-life boyfriend na si Joshua Gracia, sumagot din si Julia ng ‘Yes, No, Maybe’ nang tanungin kung may posibilidad na makatrabaho niya ang ilang male celebrities.

‘Yes’ ang kaniyang sagot kina Marco Gumabao, Jericho Rosales, Tom Holland, Ian Veneracion, James Reid, Vice Ganda at Danilel Padilla.

Habang ‘No’ naman kina Noah Centineo, Donny Pangilinan at Elmo Magalona. 

Palabas ngayong araw sa mga sinehan ang movie ni Julia kasama si Gerald Anderson na Between Maybes. 

Facebook Comments