Julia Barretto, sumailalim sa minor operation

1207

Sumailalim sa minor eye procedure si Julia Barretto.

Ito ay matapos i-post ng ina nitong si Marjorie ang larawan ni Julia na nasa operating room.

Ayon kay Marjorie, tumagal lang ng 15 hanggang 20 minuto ang operasyon sa mata ni Julia.

Gayunman, hindi naman binanggit ni Marjorie kung bakit naoperahan ang anak.

Nagpasalamat naman si Marjorie kay Erich Gonzales na kahit tatlong oras lamang raw ang tulog ay sinamahan pa rin si Julia habang inooperahan.

Facebook Comments