Pagsabak ng Gilas sa Jones Cup, malabo na – SBP

239

Hindi na ikinokonsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang rekomendasyong isabak ang Gilas Pilipinas sa Jones Cup na idaraos mula Hulyo 12 hanggang 21.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, tatama kasi ang petsa ng Jones Cup sa kalendaryo ng PBA.

Aniya, pinag-iisipan na nila na magsagawa na lamang ng mga mini-tournaments o serye ng mga friendlies para sa national team.

Una nang sinabi ni Gilas head coach Yeng Guiao na interesado itong isabak ang national team sa Jones Cup bilang paghahanda para sa 2019 FIBA World Cup.

Facebook Comments