Julia Clarete – ikinasal na sa kanyang Irish boyfriend

Confirmed!

Ikinasal na nga ang actress-host na si Julia Clarete sa Irish boyfriend nito na si Gareth Mcgeown.

July 23 nang unang umugong ang balitang ikinasal na ang aktres kay Gareth matapos itong mag-post sa Facebook ng larawan ng bridal dress.


At kinabukasan sunod niyang ipinost ang text message sa kanya ng Cinemalaya tungkol sa pagkakasama ng pelikula niyang “Skit” sa 29th CPP Gawad Alternatibo.

May caption ito na, “Best wedding gift”.

Anim na taong magkasintahan sina julia at Gareth bago sila nagpalitan ng “I Do” sa Ballynahinch Castle Hotel sa Connemara, Ireland.

Facebook Comments