Pulis Maynila, arestado dahil sa kasong pangongotong

Manila, Philippines – Arestado ang isang tauhan ng Manila Police District dahil sa pangongotong.

Kinilala ang pulis na si PO2 Joseph Buan, naka-assign sa MPD traffic section.

Ikinasa ang operasyon kasunod ng natanggap nilang reklamo na dalawang pulis-Maynila ang nangongotong tuwing Biyernes sa bahagi ng Liwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila.


Mga bus operator ang kadalasang binibiktima nina Buan na kinikikilan ng 500 hanggang 2,000 piso.

Dinala na sa Camp Crame sa Quezon City ang naarestong pulis para sa documentation at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments