Julia Montes at Coco Martin, balik tambalan na sa teleserye

62

Balik tambalan na ulit sa telebisyon ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin matapos mapabilang si Julia sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano!

Ito ang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment sa kanilang official Instagram accounts.


Bukod sa teleserye, magtatambal din ang dalawa para sa isang pelikula sa direkta ni Brillante Mendoza.

Samantala, kabilang din sa makakasali sa Ang Probinsyano sina Rosanna Roces, Tommy Abuel, Michael Flores, Vangie Labalan, Marela Torre, Chia Fonacier, Elora Españo at Joseph Marco.

Facebook Comments