Pole vaulter na si Ej Obiena, pasok na sa championship round ng Tokyo Olympics

48

Pasok na ng championship round ng men’s pole vault si EJ Obiena sa 2020 Tokyo Olympics sa August 3.

Ito ay matapos makapagtala ng 5.75 meters sa qualification round sa Olympic Stadium kung saan na napabilang si Obiena sa Top 12 ng kategorya.


Sa ngayon ay nasa ika-anim na puwesto sa buong mundo ang 25 taong gulang na pole vaulter kung saan nakapagkamit na ng isang gold at dalawang silver sa tornamentong sinalihan ngayong taon.

Samantala, aabante na rin sa quarterfinals ang boksingero na si Carlo Paalam matapos talunin ang kinatawan ng Algeria na si Mohammed Flissi sa pamamagitan ng unanimous decision.

Facebook Comments