Julie Ann San Jose, todo ang pasasalamat sa kaniyang mga fans matapos makatanggap ng international music award

Manila, Philippines – Todo pasalamat ngayon ang singer/aktres na si Julie Ann San Jose matapos na makatanggap ng bagong parangal sa kaniyang album.

Silver award ang nakuha ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Ann para kaniyang hitsong na “Wave” sa 12th International Global Sound Song Contest.

Ayon kay Julie, utang na loob niya ito sa mga fans na bumoto at sumuporta sa kaniya para makuha ang nasabing award.


Matapos naman ang pinagbidahan afternoon prime series ay busy ngayon si Julie Ann para sa bago nitong album kung saan tatlong kanta dito ay siya mismo ang sumulat at mismong ang boyfriend a si Benjamin Alves ang kaniyang inspirasyon.

Sa ngayon, masaya si Julie Ann sa mga incoming projects ng kaniyang mother network at todo suporta din ang knaiyang pamilya at kaibigna sa lovelife nito.

Facebook Comments