Coach ni Australian Boxer Jeff Horn, binalaan si Manny Pacquiao sa kanilang magiging laban

Manila, Philippines – Binalaan ng coach ni Australian Boxer Jeff Horn si Manny Pacquiao na magiging mas malakas na mga suntok ang mararamdaman ng Pinoy boxing champ mula sa kaniyang alaga.

Ayon kay Glenn Rushton, mas matindi pa ang suntok ni Horn kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez na nagpatumba sa kaniya.

Dagdag pa nito na hindi nila minamaliit ang kakayahan ni Pacquiao kaya todo at mas nag-level up ang ginagawa nila paghahanda.


Tiniyak nito na dapat ituring ni Pacquiao si Horn na pinakamatinding boksingerong makakaharap nito sa kaniyang buong boxing career at huwag daw ito basta-basta balewalain.
DZXL558

Facebook Comments