June 26, idineklarang non-working holiday ng Malakanyang bilang pakiki-isa sa pagtatapos ng Ramadan

Manila, Philippines – Idineklara ng Malakanyang na non-working holiday ang Hunyo 26, 2017 bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan para sa mga Muslim.

Batay sa proclamation no. 235 na may lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kautusang ito ay ibinatay sa nilalaman ng Republic Act 9177.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagdedeklara ng non-working holiday ay bahagi ng pakikiisa sa mga mananampalataya sa relihiyong Islam sa obserbasyon ng Eid’l Fitr.


Nabatid na ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga muslim sa buong mundo sa loob ng tatlong araw bilang pagtatapos ng kanilang pag-aayuno.

Facebook Comments