Magkakasunod na pagyanig, naitala sa ilang lugar sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Magkakasunod na pagyanig ang naitala sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.

Alas dos kaninang madaling araw nang yanigin ng 4.2 na lindol ang T’boli, South Cotabato kung saan naramdaman ang intensity 4 sa General Santos City.

Magnitude 3.8 na lindol naman ang tumama sa Sabtang, Batanes alas 2:27 nang madaling araw habang magnitude 4.3 sa Lubang, Occidental Mindoro.


Kaninang alas 9:44 nang umaga, naramdaman ang magnitude 4.9 na lindol sa Bislig, Surigao Del Sur.

Ayon sa PAGASA, pawang tectonic ang origin ng mga nasabing pagyanig.

Facebook Comments