Ipinagpatuloy ngayong araw ng Supreme Court ang ika-apat na araw ng oral arguments sa mga petition kontra Anti-Terrorism Act.
7 mga mahistrado ang inaasahang magtatanong sa mga petitioners.
Ipinagpatuloy rin ni Justice Amy Lazaro-Javier ang kanyang interpellation, kung saan ang kanyang tinanong ay si University of the Philippines Law Prof. John Molo.
Tinanong ni Justice Lazaro-Javier kay Molo kung maaari bang magsagawa ng review ang korte sa factual basis ng detention na may basbas ng Anti-Terrorism Council.
Inungkat din ni Lazaro-Javier ang usapin sa executive privilege, hinggil sa kung paano makaka-apekto sa seguridad ng bansa at ng mamamayan ang pagbubunyag sa mga sikreto ng estado
Inihayag naman ni Molo na kailangang ibalanse ang interes ng mga ibdibidwal at ng Estado, lalo na kung ang usapin ay hinggil sa parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Ayon pa kay Molo, kung nais ng gobyerno na magwagi laban sa terorismo, hindi aniya ito dapat gamitan ng mala-teroristang pamamaraan.
Nilinaw rin ni Molo na hindi siya pabor sa terorismo, lalo na’t ang kanyang ama ay dating sundalo at ang kanyang lolo ay dating police officer.