Tinawag na “istupido” ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio.
Ito ay makaraang sabihin ng punong mahistrado na “unconstitutional” ang pagpapahintulot sa mga Tsino na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Hinimok pa ni Carpio ang Pangulo na atasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan ang likas na yaman at iba pang submarine areas sa EEZ.
Sa kanyang talumpati sa ika-122 anibersaryo ng Presidential Security Group iginiit ng Pangulo na bagamat taga-Davao si Carpio, noon pa man ay hindi na siya bilib dito.
Sabi pa ni Pangulong Duterte, hindi ganon kadaling pagbawalan ang mga Tsino na mangisda sa EEZ ng Pilipinas dahil mismong ang Amerika nga, takot na komprontahin ang China.
Kapag ginamitan daw ng ngipin ng Pilipinas ang China ay talagang mauuwi ito sa giyera.
Giit ng Pangulo – hindi niya hahayaang masakripisyo ang buhay ng mga pulis at sundalo nang walang kalaban-laban.