Justice Jardeleza, nagpaalam na sa mga empleyado ng SC

Manila, Philippines – Nagpasalamat si Associate Justice Francis  Jardeleza sa mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema sa kanyang huling pagdalo sa flag ceremony kanina ng Supreme Court (SC).

Sa Huwebes, September 26 ay magreretiro na si Jardeleza sa edad na 70.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Justice Jardeleza ang mga empleyado ng Korte Supema na ipagpatuloy ang pagiging epektibo at patas sa hudikatura.


Si Justice Jardeleza ay tumanggap ng Certificate of Appreciation mula sa Supreme Court Program on Awards and Incentives for Service Excellence (SC PRAISE) Committee.

Samantala, hanggang alas dos ng hapon lamang ang pasok ngayong araw sa lahat ng korte sa buong bansa bilang pakikiisa sa 27th National Family Week Celebration.

Facebook Comments