DENR, pinatitigil muna ang operasyon ng isa sa mga water utility companies sa Boracay 

Nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng cease and desist order laban sa Boracay Tubi Systems, Inc. dahil sa  pagtatapon nito ng wastewater sa Boracay Island.

Ang BTSI ay isa sa dalawang water utility companies na nag-o-operate sa Boracay Island.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, batay sa inspection ng Environment Management Bureau, ang outfall pipe ng BTSI ay nagpapalabas ng malaking volume ng fecal coliform sa katubigan ng isla.


Natunton ng EMB ang wastewater discharge sa isa sa outfall pipe ng BTSI sa Lugutan area sa Barangay Manoc-Manoc Island hanggang Sibuyan Sea.

Ang interim CDO ay inisyu noong September 21 ni EMB Western Visayas Regional Director Atty. Ramar Niel Pascua .

Magkakabisa ang CDO sa loob ng pitong araw at sa sandaling kumpirmahin ito ng Pollution Adjudication Board ay magiging isa na itong regular CDO.

Ani Cimatu, magkakabisa ang CDO habang iniimbestigahan ang mga magsisilbing babala ito na walang sinuman ang angat sa batas pangkalikasan ng bansa.

Facebook Comments