Manila, Philippines – Matapos magretiro noong Sabado kasabay ng kanyang ika-pitumpung kaarawan, dumalo kanina sa kanyang huling flag raising ceremony sa Korte Suprema si Associate Justice Noel Tijam.
Kasama ni Tijam na dumalo sa flag ceremony ang siyam na iba pang mga mahistrado.
Hindi naman nakadalo sina Chief Justice Lucas Bersamin, Associate Justices Marvic Leonen, Alfredo Benjamin Caguioa at Andres Reyes, Jr.
Noong Biyernes, nagdaos ng special en banc session ang Korte Suprema para sa retirement ceremony kay Justice Tijam.
Facebook Comments