Nagpahayag na rin ng pagkondena ang JUROR o Justice Reporters Organization sa pag-ambush at pagpatay sa radio commentator at columnist na si Percival Mabasa alyas Percy Lapid.
Sa pahayag ng JUROR, sinabi nito na pagtraydor sa press freedom ang brutal na pagpatay sa naturang mamamahayag.
Nanawagan din ang JUROR sa mga awtoridad na masusing imbestigahan ang kaso at panagutin sa batas ang nasa likod ng naturang krimen.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang pamilya Mabasa hinggil sa pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.
Sa Facebook post ni Roy Mabasa, Manila Bulletin reporter at kapatid ni Percy, inilabas nito ang matinding galit ng kanilang pamilya sa brutal na pagpatay sa kanyang kapatid.
Ayon kay Roy, kanila ring dine-demand ang agad na pagdakip sa aniya’y duwag na salarin at panagutin ito sa krimen.