Isa, patay habang 11 ang nasugatan sa bumigay na scaffolding sa isang construction site sa Quezon City

119

Patay ang isang construction worker habang 11 pa ang nasugatan sa bumigay na scaffolding sa isinasagawang housing project sa Sto. Cristo St. Barangay Balingasa, Quezon City.

Batay sa ulat, ginagawa sa nasabing lugar ang labinlimang palapag na pabahay project ng Quezon City government na proyekto pa noon ni dating QC Mayor Herbert Bautista.

Ipinagpatuloy lamang ito ni Mayor Joy Belmonte para sa mga informal settler families ng lungsod.


Ayon kay Marcelino Maga, residente sa lugar, karamihan sa mga construction worker ay nagtamo lang ng minor injuries maliban sa isa na napuruhan at namatay.

Lahat ng mga biktima ay isinugod sa kalapit na Quezon City General Hospital.

Nangako naman ng tulong sa mga biktima ang lokal na pamahalaan.



Facebook Comments